RF: Hindi naman mahalaga kung crush din ako ng crush ko o mahal din ako ng taong mahal ko. As long as nabubuo niya ang araw ko sa simpleng pamamaraan, masaya at kuntento na ako! :”>
RF: Naniniwala akong malaking-malaki ang pagkakaiba ng CRUSH sa LOVE.
RF: Madali ako kiligin, pero hindi ako madali ma-fall.
RF: Mas masaya ako nung nawalan ako ng crush/lovelife.
Feeling ko I’m having my life at its simplest form. Walang arte dahil hindi naman kailangan. Kahit nababaliw ka na, wala ka pa ding pake dahil wala kang iisiping baka may ma-turn off sayo.
RF: Miss na miss ko na yung phone kong Nokia 6300.
Grabeeee! 4 years din yun sakin ah. HAHAHA! Loyal masyado? :))) Simula nung nag-Galaxy Y ako, wala na akong mareceive na gm na may nakakainis na *some text missing* o kaya feeling ko ang iikli ng mga message ng mga nag-ggm sakin. Eh kasi new generation na ko! HAHAHA :))
RF: Mahilig ako magsmile sa salamin.
Hindi kasi ako photogenic </3 Feeling ko ang ganda-ganda ko magsmile pag nasa salamin! Hahaha! Self-support \m/

RF: Hindi ko pa din tinatanggal ang alternative name kong “Marian de Chupul” sa Facebook ko.
Uyyy, binigyang malisya! HAHAHAHAHAHAHAHAHAHA! Next time ko na tatanggalin pag wala na akong contact sa kanila o pag nakalimutan na nila ako. Balak ko yun, matagal na! HAHAHAHA! Kaso baka malabong mangyari. Forever nga kami ni Rhona, diba? :”> Hide hide din xD
RF: Tuwing pumupunta ako ng school, umaasa pa din akong makikita ko ulit ang bracelet ko.
Pumunta nanaman kasi ako sa school, at di ko talaga maiwasan ang tumingin-tingin sa dinadaanan ko o sa paligid ko. Oo, mukhang tanga lang pero umaasa pa din akong magkikita pa din kami ng bracelet ko :-( Kahit wala na kami ni Bryan, mahal ko pa din yung bracelet ko. Kahit naman sila Mike the Bear at Bryan the Unicorn, love na love ko pa din sila eh. First accessory nga kasi na nagtagal sakin na akala ko, may “FOREVER”. Kahit na gusto ko ng infinity bracelet, mas gusto ko pa din yung una. You know, first love never dies.
RF: Belieber ako since August 23, 2009.
RF: Turn on sa’kin yung lalaking naka-clean cut/nakataas yung buhok.
RF: Hindi ako mahilig mag-pm.
Wala lang. I feel so annoying. HAHAHA! -.-” Kaya ang swerte mo masyado pag nag-pm ako sayo! Chos.
RF: Hindi ako mahilig magbasa.
Book, novel, o Wattpad? Hindi talaga! Nakakaantok eh -.-” Book report? Jusme, ipapabasa ko yung libro sa nanay ko tas magpapakwento ako. Hahahaha! Pero depende din. Pag trip ko yung story minsan natatapos ko din basahin eh, hahanap pa ako ng sequel! :-)
RF: Hindi ako marunong kumain ng pizza ng naka-kamay lang.
Maarte masyado? HAHAHAHAHA! Pasensya ah. Di talaga ako marunong eh xD Kailangan ko ng tinidor! :))
RF: Turn on sa’kin yung lalaking may brown eyes.
Ay, alam na :”> HAHAHAHA!
0